-- Advertisements --

Kinumpirma ni dating House Deputy Speaker Raneo Abu na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa kaniyang Facebook post, inamin ni Abu sumailalim siya at ang kaniyang pamilya sa RT-PCR test noong Huwebes, ngunit Sabado na nila nakuha ang resulta na nagsasabing infected ito ng nasabing virus.

Dahil dito, naka-quarantine na ang mambabatas sa hindi tinukoy na isolation facility.

Hinimok naman ng opisyal ang kaniyang mga nakasalamuha sa mga nakalipas na araw na magpasuri din upang matiyak ang kalusugan laban sa COVID-19.

Ipinagpasalamat naman nito na nagnegatibo ang kaniyang asawa at anak sa naturang sakit.