-- Advertisements --

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tataas sa pagitan ng 5.6 hanggang 6.6 porsyento ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo 2026.

Ayon sa BSP, maaaring magdulot ng dagdag na presyur sa presyo ang mataas na halaga ng produktong petrolyo sa lokal na merkado, pagtaas ng singil sa kuryente, pagmahal ng isda, at paghina ng piso laban sa mas tumitibay na dolyar ng Estados Unidos.

Gayunman, inaasahang makatutulong upang maibsan ang epekto ng mga ito ang pagbaba ng presyo ng ilang pangunahing pagkain gaya ng bigas, karne, gulay, at prutas.

Binigyang-diin ng BSP na mananatili silang mapagbantay at gagabay sa mga darating na datos, partikular sa inflation at growth prospects.

Patuloy din nilang susubaybayan ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan na maaaring makaapekto sa inflation at sa kabuuang aktibidad ng ekonomiya.