TACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ngayon ang isang bagong laya sa bilangguan matapos itong barilin sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Caibaan, Tacloban City.

Ayon kay Major Jesus Rico Esoy, station commander ng San Jose Police Station 1, kinilala ang biktima na si Jason Cada, 37, residente ng Caibaan, Tacloban City na nakalaya sa bilangguan noong nakaraang taon.

Batay sa kanilang paunang imbestigasyon, pagkauwi lang mismo ng naturang biktima ay sinalubong ito ng mga naka-bonnet na mga kalalakihan at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng apat na gun shot wounds ang naturang biktima na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Tinitingnang anggulo ngayon ng mga kapulisan ang posibleng nakaaway ng naturang biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here