Patay ang isang dating convict sa ikinasang buy bust operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency sa GMA, Cavite.
Nakilala ang drug suspect na si Perk Lebrojo, 38-anyos, na umano’y nakipagbarilan sa mga otoridad.
Sa report na inilabas ng Cavite-PNP, nagbenta ng iligal na droga ang suspek sa poseur buyer na pulis.
Isinagawa ang transaksyon sa may Mayor’s drive, Barangay Delas Alas sa General Mariano Alvarez.
Nakahalata raw ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya bumunot ng baril si Lebrojo at dito nagpaputok.
Dinala pa sa ospital ang sugatang suspek pero idineklarang dead on arrival.
Nakuha sa kaniyang posisyon isang 9mm pistol apat na sachet ng shabu at dalawang sachet dalawang sachet ng marijuana.
Napag-alaman na nakulong na si Lebrojo dahil sa kasong illegal drugs pero pinalaya imakaraang pumasok sa plea bargaining agreement.