-- Advertisements --
Patay ang isang ex-convict at suspek sa panggahasa ng menor de edad matapos nanlaban sa pulisya sa isinagawang operasyon sa Barrio Norte Brgy. Login, Daanbantayan, Cebu.
Kinilala ang suspek na si Rodilito Oringan, 27 anyos.
Ayon pa sa mga otoridad na inireklamo si Oringan ng pamilya ng menor de edad na ginahasa.
Positibo namang tinukoy ang suspek sa naksaksi sa insidente kaya agad isinagawa ang hot pursuit operation.
Sinubukan pa umanong atakihin ng suspek ang pulis gamit ang kutsilyo kaya binaril ito.
Nakatamo ng tama ng pagkabaril sa katawan si Oringan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Napag-alaman na labas pasok na ang suspek sa kulungan dahil sa kasong robbery at rape.