-- Advertisements --

Inilagay na sa red notice list ng International Criminal Police Organization (Interpol) si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na umano’y utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Kinumpirma ito ngayong araw ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kung saan inisyu ang naturang notice kahapon, Pebrero 27.

Ayon sa Interpol, ang red notice ay isang request sa law enforcement sa mga bansa na miyembro ng Interpol para matunton at maaresto ang isang indibidwal na may nakabinbing extradition, surrender o kahalintulad na legal action.

Nilinaw naman ng Interpol na hindi isang international arrest warrant ang red notice.

Sa naturang notice, nakasaad na ang Canbodia ang bansang posibleng binisita ni Teves.

Una ng sinabi ng mga awtoridad na nagpapalipat-lipat si Teves sa pagitan ng Timor-Leste, Cambodia at Thailand. Sa may Timor-Lests napaulat na humingi ng asylum si Teves subalit ito ay na-reject.

Ayon pa sa Interpol, mayroong warrant of arrest si Teves para sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder may kinalaman sa Pamplona masaccre na ikinasawi ni Gov. Degamo at iba pang mga nadamay na sibilyan.

Samantala maliban sa pagpatay kay Deamo, sinabi ng Interpol na kinasuhan din ng dating mambabatas ng pagpatay sa 3 indibidwal sa Negros Oriental noong 2019.

Itinalaga din si teves at 12 iba pa bilang terorista ng Anti-Terrorism council dahil sa ilang serye ng umano’y pagpatay at harassment sa negros Oriental.