Hiniling ngayon ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner at DigiVote Convenor Atty. Gregorio Larrazabal na payagan ang voter registration sa mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Depensa ni Larrazabal, 31 araw na lamang ang nalalabi bago magtapos ang voter resistration sa Setyembre 30 kaya naman ay dapat nang payagan ang voter registration sa National Capital Region (NCR) maging ng mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.
Dagdag ni Larrazabal, paano raw kapag pinalawig pa ng isang linggo o maging hanggang sa katapusan ng Setyembre ang MECQ sa ilang lugar sa bansa, nangangahulugan itong hindi na makakapagrehistro ang ating mga kababayan.
Pero base raw sa pag-intindi ng dating Comelec commissioner, bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa mga lugar na nasa MECQ matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ).
Kaya naman naniniwala si Larrazabal na puwede nang isagawa ang registration para sa mga botanteng nais mahibahagi sa 2022 national at local elections.
The Commission on Elections (Comelec) has been firm against extending the September 30 voter registration deadline, but House lawmakers on Friday, August 27, managed to prod at lease one poll body commissioner to commit to reconsider their appeal.
Una nang sinabi ng Comelec na pag-aaralan nila ang pagpapalawig pa sa voter registration matapos hilingin ng ilang mambabatas.
Sa isinagawang pagdinig sa Kamara kaugnay ng paghahanda sa 2022 elections, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na mayroon na raw silang direktiba salaw department na magsagawa ng pag-aaral sa posibilidad ng pagpapalawig pa sa registration.
Sa ngayon nasa 4.3 million na ang bagong nakarehistrong mga botante para sa halalan sa susunod na taon at nalagpasan na ang kanilang target na 4 million.
Sa ngayon, target ng poll body na magkaroon ng 60 million registered voters para sa halalan.
Base naman sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang projected voting population sa 2022 polls ay mahigit 73 million.