Patay ang dating city prosecutor matapos tambangan kaninang alas-10:00 ng umaga ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal sa harap ng Neptali Gonzales High School sa Barangay Mauway, Mandaluyong City.

Sakay sa kaniyang sasakyan na isang Mercedez Benz (TOR 22) ang dating city prosecutor na nakilalang si Pablito Gahol na dati ring chairman ng Baranngay Mauway.

Idiniklarang dead on arrival si Gahol ng mga doktor ng Victor Potenciano Medical Center.

Narekober sa crime scene ang 10 basyo ng bala.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Mandaluyong PNP ukol dito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, galing sa simbahan si Gahol kasama ang misis nito ng tambangan ng mga armadong katao.

Ligtas naman si Ginang Gahol.