-- Advertisements --

Sobrang nagpapasalamat ang dating child star na si Isabelle de Leon sa napanalunang Miss Multinational Philippines title sa ginanap na Miss World Philippines coronation sa Quezon City kagabi.

Ayon sa 25-year-old actress turned beauty queen, ang nakatakdang pagrepresenta niya sa bansa sa Multinational international pageant ay nakadagdag sa hindi malilimutang pangyayari sa 30 days ng kanyang buhay.

“I feel really, really grateful. It has been a very, very memorable thirty days of my life and I’m just really grateful po. I’ll do my best na mai-represent ang ating bansa sa Multinational international pageant,” saad nito sa GMA.

Tatangkain nito na maibigay sa Pilipinas ang pangalawang Miss Multinational crown na unang nakuha noong 2017 sa pamamagitan ni Sophia Senoron.

Si de Leon ay nakilala sa kanyang pagganap bilang best friend ng noo’y child star din na si Jiro Manio sa pelikulang “Magnifico” noong 2013.

Sa question and answer portion, naitanong kay Isabelle kung ano ba ang makikita sa kanyang mga mata kung ito ang magsisilbing “window to your soul.”

Narito ang kanyang winning answer:
“What they would see in my eyes is love, eyes that see the good in other people aside from my eyes, lips the seeks to speak words of kindness and ears that listens to the needs of other people and hands that nurture other people’s dreams. I believe that’s the kind of beauty that shines from within and nothing can dim the light that shines from within.”

Samantala, kontento ang dating miyembro ng GirlTrends na si Kelley Day kahit hindi nakuha ang target na Miss World Philippines title.

Kelley Miss Wolrd Ph minor title

Ayon kay Kelley, naniniwala siya na ang iginawad sa kanya na Miss Eco Int’l Philippines ang inilaan ng Diyos sa kanya.

“I really wanted to go for the Miss World Philippines crown but I also knew that I’d also be so, so happy to get Miss Eco. And I actually got it!”

Sa panig naman ng modelong si Michelle Dee na siyang bagong kinatawan ng bansa sa Miss World 2019, plano nitong i-donate ang bahagi ng kanyang mga napanalunan sa mga pasyenteng mayroong autism.

“Last year, the mental health bill has been passed and so I’m currently focusing on my advocacy on autism. So, I plan to donate some of my winnings to facilities because I want to give them the proper care that they deserve and I do plan to visit the facilities here in the Philippines,” ani Dee.

Michelle Miss World Ph 2019

Una nang ikinatuwa ng kanyang inang si 1979 Miss International Melanie Marquez na nagbunga ang pagsisikap ng anak nito sa larangan ng beauty pageant.

Sa ngayon ay mayroon pa lamang isang Miss World crown ang Pilipinas sa pamamagitan ni Megan Young.