CAGAYAN DE ORO CITY – Tila nabunutan ng tinik ang kontrobersyal na dating city mayor ng Cagayan de Oro na si Atty. Oscar Moreno sa kinaharap nitong patung-patong na kasong kriminal sa pangalawang dibisyon ng Sandiganbayan.
Ito ay dahil inabsuwelto ng korte si Moreno kasama ang dating mga miyembro ng bids and award committee (BAC) habang kapwa pa sila naninilbihan sa provincial capitol ng Misamis Oriental sa kasong paglabag ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3.
Sa panahon kasi ni Moreno bilang gobernador ng probinsya ng siyam na taon ay nagpapa-trabaho sila ng mga proyektong imprastraktura na hindi dumaan ng bidding process ang pagre-renta nila ng heavy equipment kaya pinag-uugutan ng special audit na ng Commission on Audit.
Subalit sa inilabas na desisyon ng Sandigabayan laban sa mga akusado ay ibinasura ito dahil sa kakulangan ng mga ebedensiya na naipresenta ang panig ng Ombudsman.
Sinabi ni Moreno na patunay ito na hindi sila nagmamalabis at walang batas na nilabag bagkus ay tanging serbisyo lamang ang pakay nila kung bakit pinasok ang ibang paraan o proseso pagpapatupad ng mga proyekto.
Umaabot rin ng 10 taon ang kanilang pakikipaglaban sa nasabing kaso bago na-absuwelto.
Kung maalala,makailang beses na pinatawan ng Omubdsman si Moreno noong ito ay nagsisilbi ng city mayor ng Cagayan de Oro subalit kapwa sinupalpal ng Court of Appeals-Mindanao habang sa kinatigan ang kanilang depensa ng Sandiganbayan at tuluyang pinagwalang sala sila laban sa kaso.