EX-CBCP CHIEF SOC VILLEGAS BINATIKOS ANG SENATE LEADERSHIP SHAKE-UP
Mariing binatikos ni Socrates Villegas, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang naging pagbabago sa liderato ng Senado kung saan napalitan si Vicente Sotto III ni Alan Peter Cayetano.
Sa kanyang pastoral letter, inilarawan ni Villegas ang pangyayari bilang isang “obscene” o kahiya-hiyang pagpapakita ng kapangyarihang pampulitika at sinabing nakalulungkot na ang mga tinatawag na “honorable” ay nasasangkot sa ganitong uri ng pulitika.
Ipinahiwatig din ng arsobispo ang posibilidad na ang Senate leadership shake-up ay maaaring may layuning maantala ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na aniya’y mandato ng Senado sa ilalim ng Konstitusyon.
Binatikos din niya ang pagbibigay ng proteksyon ng Senado kay Sen. Ronald dela Rosa, na nahaharap sa arrest warrant mula sa ICC kaugnay ng umano’y crimes against humanity sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Kasabay nito, hinimok ni Villegas ang publiko na itulak ang pagbabago sa pamamagitan ng legal at mapayapang paraan at suriing mabuti ang rekord ng mga opisyal sa susunod na halalan. (Report by Bombo Jai)
















