Labis na ikinatuwa ng mga taga-suporta ni dating Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva matapos ipag-utos ng mataas na korte na palayain ito.
Ginawa ang desisyon isang araw matapos baliktarin ng Korte Suprema ang batas na nag-uutos na ikulong ang lahat ng convicts na natalo sa kanilang unang appeal.
Sinalubong si Lula ng milyon-milyong supporters at myembro ng Workers Party habang hawak ang kani-kanilang banners na may katagang “Free Lula.”
Taong 2018 nang ikulong ang dating pangulo sa loob ng walong taon at 10 buwan matapos hatulan ng guilty sa pagbibigay ng suhol sa mga engineering firms kapalit ng government contracts.
Sa kaniyang talumpati, nangako si Lula na gagawin nito ang lahat upang mapatunayan na siya ay inosente laban sa mga kinakaharap na alegasyon.
Dahil sa kontrobersyal na desisyon ng Supreme Court, libo-libong high profile convicts ang posible ring mapalaya.