Inabsuwelto ngayon ng Sandiganbayan si ang dating mambabatas mula sa Batangas na si Oscar Gozos at 10 opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa Region 4A sa graft dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa P728 million fertilizer fund scam noong 2004.
Sa 24 pahinang desisyon, sinabi ng antigraft court na bigo ang government prosecutors na patunayan beyond reasonable doubt na si Gozos at ang 10 DA officials na ginamit ng mga isinasangkot na indibiwal ang kanilang puwesto sa pamahalaan noong bumili ang mga ito ng P3 million na halaga ng apat na units ng shredder chipper 15 HP (Tornado Brand) noong April 12, 2004 mula sa LCV Design and Fabrication Corporation (LCV) na pinangungunahan ni Remus Villanueva.
Ang P3 million na halaga ng shredder chipper 15 HP (Tornado Brand) ay nabili raw sa pamamagitan ng direct contracting at binayaran ng Farm Input Fund sa ilalim ng P728 million Ginintuang Masaganang Ani Program ng DA.
Ipinunto pa rito ng antigraft court na pinahintulutan ng Intellectual Property Office ang LCV Design na isang Utility Model Registration na valid ang kanilang application noong February 20 2004.
Sa konklusyon ng Sandiganbayan, bigo raw ang prosecution na patunayang ang public bidding ay ini-require sa pagbili ng mga kagamitan.










