-- Advertisements --
Arestado ang dating Australian Olympian swimmer dahil sa pagkustodiya ng iligal na droga.
Nakakulong na ang 45-anyos na si Scott Miller sa Balman area matapos na makuha ang droga na nagkakahalaga ng mahigit $1.6 million.
Ayon sa South Wales police, itinago ni Miller at 47-anyos na kasama ang methylamphetamine o tinatawag na ice sa loob candies.
Naaresto lamang ang dalawa ng lusubin ng kapulisan ang kanilang bahay sa Sydney.
Si Miller ay nanalong silver at bronze medal noong 1996 Atlanta Olympics.