Ano mang oras ay maibabalik na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan sa kanyang selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Hindi pa ito nakakalabas sa Makati Medical Center dahil hindi pa raw naglalabas ang kanyang doctor ng release order.
Gayunman, sa oras na mayroon nang release order sa isa sa mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre ay agad itong ibabalik sa kanyang selda.
Sa ngayon at bantay sarado so Ampatuan ng pitong jailguard sa kanyang kuwarto sa ospital.
Naka-standby na rin ang mga pulis at police mobile sa labas ng Makati Medical Center para mag-assist sa seguridad sa ruta ng paglilipat kay Ampatuan.
Oktubre 22 ngayong taon nang isugod sa Taguig-Pateros district hospital ang dating gobernador matapos ma-stroke.
Oktubre 29 nang inilipat ito sa intensive care unit ng Makati Med bago ilipat sa regular room.
Kahapon, ipag-utos ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na ibalik si Ampatuan sa kanyang selda.