Pumanaw na ang kilalang British director na si Sir Alan Parker sa edad 76.

Ayon sa asawa nitong si Lisa Moran-Parker, hindi na nito nakayanan ang matagal ng iniindang sakit nito.

Nakilala si Parker sa mga pelikula gaya ng Evita, Bugsy Malone, Midnight Express, Missippi Burning, The Commitments, Angels’s Ashes at Birdy.

Siya ang nagtaguyod ng Director Guild of Great Britain at naging chairman ng UK Film Council.

Ipinanganak sa London noong 1944 kung saan nagsimula ang kaniyang career sa advitising bilang copywriter at nagtapos ng writing at paggawa ng commercials.

Taong 1984 ng ginawad sa kaniya ang Michael Balcon Award ng British Academy dahil sa kontribusyon nito sa British cinema.