-- Advertisements --
Muling sinuspendi ang evacuation o pagpapalika sa mga sugatang indibidwal at mga dayuhan mula sa Gaza patungong Egyptsa ikalawang araw.
Ito ay matapos na tumanggi ang Israel na payagan ang paglikas ng ilang sugatang Palestino ayon sa mga opisyal mula sa Egypt at Palestine.
Ayon sa Hamas government sa Gaza, sarado ang terminal dahil pinagbawalan ang mga nasugatan sa nagpapatuloy na giyera mula sa pagtawid sa Eypt para magamot sana.
Wala din aniyang papayagang maklabas na dayuhan hangga’t nananatiling stranded sa Gaza ang mga sugatan.
Base sa datos, nasa 1/3 ng mga sugatang Palestinians sa evacuation list ay mga miyembro ng Hamas.