Sa kabila ng pagbuhos ng mga relief goods mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa mga biktima ng pag-aalbuturo ng bulkang Taal, mayroon pa rin palang mga lugar na hindi pa rin naabutan ng tulong.
Dahil dito, todo ngayon ang panawagan ni Miss Maria Bernice na evacuee sa Tuy, Batangas na bigyan sila ng tulong doon dahil marami pa ring kulang sa kanilang mga evacuation centers.
Aniya matindi ngayon ang pangangailangan ng mga dinala doong evacuees partikulara ang mga bata at matatanda.
Partikular na kailangan ng mga evacuees ang kumot, banig, underwear para sa mga lalaki at babae (matatanda at bata), unan, gatas apar sa isa hanggang tatlong taong gulang na bata, damit para sa isa hanggang sa limang taong gulang na bata, diapers, hygiene kit na may napkin.
Samantala sa mga gustong magpaabot ng tulong sa Tuy, Batangas narito ang mga evacuation centers na puwedeng paghatiran ng mga relief goods.
Narito ang mga evacuation centers na nangangailangan ng tulong:
- Tuy Evacuation Center – uncounted pa
- Tuy Covered Court sa Poblacion – 62 families, 276 individual
- Guinhawa Elementary School sa Brgy. Guinhawa – 25 families, 140 individual
- Eulogio Cerrado Elementary School sa Brgy Sabang – 28 familes, 88 individual
- Jose Zabarte Elementary School sa Brgy. Putol – 12 familes, 76 individual
- Tuy National High School sa Brgy Guinhawa – 4 fam, 77 ind
- Lumbangan Evacuation Center sa Brgy. Lumbangan – 27 familes, 107 individual
- Lumbangan Elementary School – 27 familes, 107 individual
- Gregorio Paradero Elementary School sa Brgy Rizal – 56 familes, 229 individual
- Gregorio Agoncillo Elementary School sa Brgy. Tuyon-Tuyon – 33 families, 142 individual
- Luntal Elementary School sa Brgy. Luntal – 20 families, 77 individual
- Dao ES sa Brgy. Dao – 4 families, 17 individual
- Good Hope Learning Center – 3 familes, 21 individual
- Nicolites sa Rizal St – 3 familes, 10 individual
- Tuy Senior High School – 16 families, 61 individual
- St. Vincent Ferrer Parish – 6 families, 20 individual
Sa ngayon nasa 304 pamilya o 1,367 indibidwal ang nasa loob ng evacuation center.