-- Advertisements --

Tiniyak ng European Union (EU) na hindi sila magpapahinga sa pagsuporta sa Ukraine sa paglaban nito sa Russia.

Sa nagkakaisang pahayag ng 27 European Union countries na titiyakin nila na mamamayagpag ang Ukraine.

Sinisguro din nila na irerespeto ang international law at kilalanin ang mga borders.

Dagdag pa ng grupo na bahagi ng European family ang Ukraine.

Pagtitiyak nila na kanilang susuportahan ang Ukraine para muling makabangon mula sa pananakop ng Russia.

Bilang pagpapakita ng suporta sa isang taong anibersaryo ng pananakop ng Russia sa Ukraine ay naglagay ng mga watawat sa mga gusali ng European Union sa Brussels.