-- Advertisements --

Matagumpay na inilunsad ng European Space Agency ang kanilang mission to Jupiter’s moon.

Lumipad ang Ariane 5 rocket mula sa ESA’s spaceport sa French Guiana.

Una ng naantala noong nakaraang araw ang nasabing mission dahil sa sama ng panahon.

Layon ng Jupiter Icy Moons Explorer (Juice) projetc na magpadala ng satellite sa walong-taon na paglalakbay para makaabot sa nagyeyelong buwan ng gas giant Jupiter.

Gagamit ang nasabing spacecraft ng gravitiational sling-shot technique sa palibot ng mundo at planetang Venus para mayroong sapat na enerhiya na makaabot sa Jupiter.

Nagkakahalaga ang misson 1.6 bilyon euro kung saan dito malalaman kung ang pangunahing buwan ng Jupiter na Ganymede, Callisto at Europa ay may kakayahan na suportahan ang buhay ng tao.