-- Advertisements --

Magpapatayo ng opisina sa lungsod ng Iloilo ang European Chamber of Commerce.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nag-courtesy visit sa kanya si European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) Executive Director Florian Gottein at nagpahayag ng interes sa paglagay ng opisina sa lungsod.

Ayon sa alkalde, nakita ng foreign chamber na progresibo ang Iloilo City at potensyal na lugar para sa mga negosyo.

Ito umano ang kauna-unahang foreign chamber na mag-ooperate sa Iloilo City.

Una nang nagbisita ang American Chamber of Commerce sa Iloilo City at nagpahayag rin ng intreres na magpatayo ng opisina ngunit naantala dahil sa Covid-19 pandemic.

Napag-alamang ilang beses nang kinilala ang Iloilo City bilang most business-friendly local government unit sa labas ng Metro Manila at pinarangalan rin bilang 2019 Most Business-Friendly Highly Urbanized City sa bansa.