-- Advertisements --

Napatay sa pakikipaglaban sa Ukraine ang European boxing champion at Youth Olympic medalist na si Maksym Galinichev sa edad 22.

Kinumpirma ni Anton Gerashchenko ang advisor to the minister of Internal Affairs of Ukraine ang pagkasawi ni Galinichev.

Kabilang ang 22-anyos na boksingero sa 5th Separate Airborne Sicheslav Brigade bahagi ng Air Assault Force ng Ukraine.

Nagpalista kasi si Galinichev bilang volunteer kung saan naging frontline lamang siya matapos masugatan at nagpapagaling.

Nagsimula ang kaniyang boxing career noong edad 10 pa lamang ito kung saan nagwagi siya ng dalawang gintong medalya sa European Youth Championship.

Sasali sana ito sa European Boxing Championships sa Armenia noong nakaraang taon subalit mas pinili niya ang makipaglaban kasama ang mga sundalo ng Ukraine.