-- Advertisements --
Nagbabala ang mga health experts na makakaranas ng second wave na coronavirus cases ang Europe.
Sinabi ni Andrea Ammon, director ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDC), na dahil sa ginagawang pagpapaluwag na ng mga bansa sa ipinatupad na restrictions ay bumabalik na muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Magiging kapantay o mas higit pa ito noong unang naranasan ito sa buwan ng Marso.
Isang inihalimbawa nito ay ang muling pagtaas ng kaso sa Italy at Spain na unang matinding tinamaan ng COVID-19.
Lumabas sa kaniyang pag-aaral na noong kalagitnaan ng Agosto ay karamihan sa mga biktima ay mga kabataan na nagtungo sa mga bars, restaurant at mga pampublikong lugar mula ng luwagan ang kanilang mga lugar.