Tinitingnan ng Pilipinas ang pagpapalabas ng euro-denominated bonds dahil sa request ng mga mamumuhunan.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno hindi lamang mga overseas Filipino worker ngunit nais din ng mga Filipino Germans na mag-invest sa bansa at mag-participate dahil mataas na return ang kanilang ino-offer at tax free pa.
Nauna nang inihayag ng Bureau of Treasury ang isang US dollar-denominated retail treasury bond na alok para sa Abril.
Maglalabas din ang gobyerno ng 5-year retail treasury bonds sa Peb. 7 na may layuning makalikom ng hindi bababa sa P30 bilyon para ma-refinance ang kasalukuyang utang.
Idinagdag ni Diokno na ang kamakailang lower-than-expected rate hike ng US Federal Reserve ay “magandang balita” para sa Pilipinas.
Napag-alaman na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay magsasagawa ng isang policy-setting meeting ngayong buwan.
Sinabi rin ni Diokno na posibleng tumaas ang inflation noong Disyembre, na pumalo sa 8.1 porsyento.
Gayunpaman, ang pagtatantya ng BSP para sa Enero ay mula 8.1 hanggang 8.3 porsyento.