-- Advertisements --

Nagbabala ang European Union sa posibilidad nang pagpapataw nito ng parusa laban sa bansang Turkey dahil sa umano’y pag-provoke at pangpi-pressure umano nito sa Greece.

Pinagsabihan din ni European Commission President Ursula von der Leyen ang Ankara na umiwas mula sa kahit anong uri ng unilateral actions sa eastern Mediterranean.

Ayon kay von der Leyen, nais ng EU na magkaroon ng positibo at maayos na relasyon sa Turkey ngunit isinasaalang-alang din nila ang interes ng ibang bansa.

Inaasahan umano nila na simula ngayon ay hindi gagawa ng hakbang ang Turkey na ikakasama ng Greece. Sa oras daw na malagay sa pahamak ang Ankara, ay hindi magdadalawang isip ang EU na magpataw ng sanctions sa Turkey.

Sumang-ayon naman dito ang ilang myembro ng EU kung saan nagpahayag na rin sila ng kahandaan na suriin ang naging mga aksyon ng Turkey noong Disyembre.