Inaprubahan ng European Union medicine watchdog ang ikalawang COVID-19 booster shots para sa mga may edad 80 pataas.
Ang nasabing anunsiyo ng European Medicines Agency and the European Centre for Disease Prevention and Control ay isinagawa matapos na maraming mga bansa ang nagluwag ng kanilang coronavirus measures kahit na patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa grupo na ang ikaapat na dose o pangalawang booster ay maaaring maibigay sa mga may edad 80-anyos pataas matapos na mapag-aralan nila ang datus sa mga higher risk ng may lumalang COVID-19 sa nasabing age group.
Paglilinaw pa ng grupo na masyadong maaga pa para ikonsidera ang ikaapat na vaccine dose sa general population.
Kanila ring inaprubahan ang limang bakuna na gagamitin para sa EU gaya ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Johnson & Johnson at Novavax.