-- Advertisements --
Magbibigay ng 500-K Euro o 30.2 million pesos na humanitarian aid ang European Union para sa mga naging biktima ng pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa EU, ang tulong-pinansiyal ay para maibigay ang pangangailangan ng 12,000 na biktima ng kalamidad na naging sanhi umano para mawalan ng kabuhayan, ari-arian, at bahay ng mga taga-Mindanao.
Kabilang sa mga tulong na ibibigay ng EU ay emergency food and livelihood support, malinis na tubig, at sanitation facilities.
Nitong nakaraang linggo lang, nagbigay rin ang pamahalaan ng Canada ng 14.5 million pesos para makapaghatid ng hygiene services sa mga apektadong lugar ng kalamidad.