-- Advertisements --

Magbibigay ng karagdagang 54 billion dollars ang 27 miyembrong bansa ng European Union sa bansang Ukraine.

Dahil dito, nagpa-abot si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng pasasalamat sa European Union. Ayon sa kanya, ito ay patunay na mananatiling isa ang Europa at kailanman hindi matitibag. 

Dagdag pa ni Zelensky, patitibayin nito ang long-term economic plans at financial stability ng bansa habang patuloy pa rin ang giyera nito sa Russia. 

Ibinunyag naman ni French President Emmanuel Macron na malinaw umano ang mensahe na hindi malalapitan ng Russia ang European Union at wala na itong magagawa sa suporta nila sa Ukraine. 

Umaasa naman si German Chancellor Olaf Scholz na ang desisyon ng EU ay magtutulak din sa US na ipasa ang panukalang 60 billion dollar na tulong-suporta sa Ukraine.