-- Advertisements --
Nakatakdang humingi ng tulong ang mga lider ng European Union sa China para matigiln ang giyera sa Ukraine.
Ito ang isa sa mga nakatakdang tatalakayin ng mga EU leaders sa kanilang pagpupulong sa Brussels sa Hunyo 29-30 kung saan makakasama nila ang China.
Ilan sa mga tatalakayin dito ay ang economic relations ng China sa European Union ganun din ang paglaban sa climate change.
Magugunitang inihayag ni Chinese President Xi Jinping na handa itong maging daan sa pag-aayos ng Russia at Ukraine para matigil na ang mahigit isang taon na labanan sa dalawang bansa.