-- Advertisements --

Inirekomenda ng European Commission (EU) health and medicine agencies ang pagtuturok ng ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccines para sa mga taong may edad 60 pataas.

Sinabi ni Stella Kyriakides, ang European Commissioner for Health and Food Safety, na dahil sa pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.

Nauna ng inirekomenda ng ahensiya ang pagtuturok ng ikalawang booster shots ng COVID-19 vaccines o ikaapat na dose para sa mga taong edad 80 noong April.

Naniniwala kasi ang mga eksperto sa Europa na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa BA 5 subvariant ng Omicron variant ng coronavirus.