Planong pagkasuduan ng energy ministers ng European Union na bawasan ang kanilang paggamit ng gas bilang bwelta sa manipulasyon ng Russia na ginagamit ang gas supplies nito bilang kanilang economic weapon.
Kaugnay nito, sinabi ni Czech industry minister Jozef Sikela na dumating na sa Brussels para makibahagi sa pagtalkay sa naturang joint plan na si Russian President Putin ang nasa likod ng plano ng state-run company na Gazprom na ihinto ang gas deliveries sa Europa.
Patuloy din aniya na lalaruin ng Russian President ang kaniyang maruming taktika sa pamamagitan ng maling paggamit at pag-blackmail gamit ang gas supplies mula state-run na Gazprom na largest natural gas company sa buong mundo.
Una rito, pansamantalang pinatigil ng Gazprom ang pag-suplay ng gas sa Europa dahil sa technical issues na ayon naman sa Czech industry minister na isang karagdagang patunay na kailangan na anilang bawasan ang kanilang pagiging dependent sa Russian supplies sa lalong madaling panahon.