SEN LACSON SINUPORTAHAN ANG IMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA, NANAWAGAN NG PAGBABALIK NG DIGNIDAD SA SENADO
Nanawagan si Sen. Panfilo Lacson sa mga kapwa senador na ibalik ang dignidad ng Senado matapos ang kontrobersyal na insidente ng putukan noong Mayo 13 na aniya’y nagdala sa bansa sa international headlines sa negatibong paraan.
Iginiit ni Lacson na mahalagang maipakita ng Senado ang pagiging mahinahon at responsable, lalo na sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa senador, isang magandang hakbang ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court dahil malinaw aniyang nakasaad sa Konstitusyon na dapat agad aksyunan ang Articles of Impeachment.
Pinabulaanan din niya ang mga alegasyon na may utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na arestuhin si Sen. Ronald dela Rosa “at all costs,” at hinimok ang publiko na hintayin ang resulta ng imbestigasyon sa insidente sa Senado bago gumawa ng konklusyon. (Report by Bombo Jai)
















