-- Advertisements --

Naka-self isolate ngayon si European Commission President Ursula von der Leyen matapos na makasalamuha ang isang nagpositibo ng COVID-19.

Sinabi nito na, kahit nagnegatibo ang kaniyang test results noong nakaraang linggo ay uulit muli itong magpasuri.

Isa kasi sa mga nakausap niya noong nakaraang linggo ay nagpositibo sa coronavirus.

Ang nasabing anunsiyo nito ay kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Europa.