Inilibing na ang pinatay na singer-activist na si Hachalu Hundessa ng Ethopia.

Ayon sa local police commissioner, nag-iwan ng 81 rin na katao ang patay dahil sa naganap na malawakang kilos protesta.

Ang 34-anyos na singer kasi ay pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek sa Addis Ababa nitong Lunes.

Dahil sa insidente ay sumiklab ang malawakang kilos protesta sa iba’t-ibang bayan ng Oromia region.

Kabilang sa nasawi ay tatlong police, 78 sibilyan kabilang ang hindi na pinangalanang tiyuhin ng musician sa bayan ng Ambo.

Hindi pa malinaw ang motibo ng pamamaril kay Hachalu kung saan naaresto na rin ang ilang mga police commissioner.