-- Advertisements --

Itinanggi ni Ethel Booba na sa kaniya ang Twitter account na @IamEthylGabison.

https://www.instagram.com/p/B-tf_ojnNaQ/

Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na peke ito at ginagamit ang kaniyang pangalan para magkalat lamang ng mga ‘fake news’.

Binalaa niya ang mga fans na i-unfollow na lamang ito.

Hinikayat niya ang kaniyang mga fans na ireport na lamang ito.

Tiniyak ng 43-anyos na komedyante na kaniyang sasampahan ng kaso ang nasa likod ng nasabing Twitter account.