CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang estudyante habang nasugatan naman ang isa pa sa ganap na pananaksak sa harapan ng Cauayan City Hall na kinasangkutan ng ilang kabataan.
Ang nasawi ay si Arvin Peralta, 20 anyas, binata, mag-aaral, residente ng Marabulig 2, Cauayan City habang nasugatan si Marcus Lansangan, 18 anyos , estudyante, residente ng Christine Village, District 1, Cauayan City.
Ang pinaghihinalaan ay si Joshua Ryne Ong, 20 anyos, binata, laborer; isang 17 anyos , estudyante na residente ng Banigan Street, San Fermin, Cauayan City at hindi pa nakikilalang tatlong iba pang pinaghihinalaan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, nangyari ang pananaksak kaninang umaga sa harapan ng Cauayan City hall.
Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad dumalo ang mga biktima sa simbang gabi at lumabas saglit sa simbahan para bumili ng sigarilyo ngunit nang makalabas na sila ay nagkita ang biktima at ang pinaghihinalaan na si Joshua Ryne Ong na may dati na umanong hidwaan.
Nagkainitan ang dalawa at dito nagtawag si Ong ng apat niyang kasama para umuwi, matapos ang ilang minuto ay bumalik sila na may dalang mga kutsilyo.
Agad naman napinuntahan Ong si Peralta at bagamat nakatakbo si Peralta ay hinabol ito ng kapatid ni Ong at muling pinagsasaksak sa tagiliran.
Nagtamo rin ng sugat sa kamay si Lansangan matapos na saksakin rin ni Ong.
Agad namanng itinakbo ng rescue 922 sa Medical Specialist si Peralta para malapatan ng lunas subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician habang ang pinaghihinalaan ay kaagad na tumakas.