-- Advertisements --

Muling iginiit ng China na walang karapatan ang Estados Unidos na makielam sa usapin sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na ipahayag ni United States Secretary of State Antony Blinken ang commitment ng Amerika na tulungan ang Pilipinas pagdating sa usapin ng mga armadong pag-atake sa mga disputed waters sa ating bansa.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian, hindi bahagi ang Estados Unidos isyu West Philippine dahilan kung bakit hindi aniya dapat ito makisawsaw sa maritime issues sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kasabay nito ay ipinunto din ng Chinese official na ang gagawing military cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay hindi dapat na makapinsala sa soberyanya at maritime right ng China gayundin sa interest ng kanilang bansa sa WPS.

Aniya, hindi rin daw dapat ito magbigay ng platforms para sa umano’y mga illegal daw na claims ng ating bansa sa naturang teritoryo.

Kaalinsabay nito ay nanindigan ang China na magpapatuloy sila sa paggawa ng mga kaukulang hakbang upang depensa umano ang kanilang territorial sovereignty at maritime rights and interest sa WPS na teritoryong pilit nilang inaangkin mula sa ating bansa.

Magugunitang kasalukuyan nang nasa Pilipinas si US Secretary of State Antony Blinken bilang bahagi ng brief Asia tour upang mas palakasin pa ang suporta ng Estados Unidos para sa regional allies nito.