Tiniyak ng Estados Unidos na patuloy ang isinasagawa nitong mga pagsusumikap para sa pagsagip sa mga hostage victims ng militanteng grupong Hamas sa Gaza City.
Sa isang pahayag ay sinabi ng US na mayroon na itong target na “indirect engagements” ukol dito kasabay ng patuloy na paghahanap ng iba’t-ibang mga pamamaraan upang masagip at mapalaya na ang lahat ng mga bihag ng naturang militanteng grupong Hamas.
Gayunpaman ay inamin nito na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tiyak at walang kasiguraduhan ang timeframe at tagumpay ng layuning iligtas ang mga bihag mula sa kamay ng Hamas.
Ngunit sa kabila nito ay tiniyak naman ng mga opisyal ng Estados Unidos na patuloy ang kanilang mga pagsusumikap kasabay ng pangakong gagawin nito ang lahat upang mapalaya na ang lahat ng mga hostage ng naturang militanteng grupo sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon ng administrasyon ng Hamas ukol dito.