-- Advertisements --
image 212

Nais tulungan ng Estados Unidos ang Thailand na bumuo ng nuclear power sa pamamagitan ng malilit na reactor, Ito umano ay isang bahagi ng programa na naglalayong labanan ang pagbabago ng klima.

Sinabi ng White House na ang tulong ay bahagi ng Net Zero World Initiative nito, isang proyekto na inilunsad sa Glasgow climate summit noong 2021 kung saan nakipagtulungan ang Estados Unidos sa pribadong sektor upang mas magkaroon ng malinis na enerhiya.

Kung matatandaan ang Thailand ay walang nuclear power matapos may lumabas na isyu ng 2011 fukushima disaster sa Japan.

Dagdag pa ng white house, nais umano nilang mag-alok ng teknikal na tulong sa bansa upang i-deploy ang pagbuo ng teknolohiya ng maliliit na modular reactor o factory built at portable.

Hindi naman nagbigay ng timeline ang Estados Unidos, ngunit sinabi naito na susuportahan niro ang Thailand sa layunin na maging carbon neutral sa 2065.