-- Advertisements --
Screenshot 2019 04 22 15 19 33
IMAGE | Senate of the Philippines

Pinayuhan ni outgoing Sen. Chiz Escudero ang mga kandidato sa pagka-Senador na ngayon pa lang ay simulant na ang pag-aaral sa trabaho ng Senado kasabay ng papalapit na halalan sa May 13.

Aminado si Escudero, na isang abogado, na hindi nagtatapos sa mga may kaalaman sa batas ang pagiging senador sa ngayon sa ilalim ng Saligang Batas.

Kaya mahalaga umano na alam ng sino mang mga mananalo ang mga proseso sa pagbuo ng mga batas.

“Magandang gawin din ’yun, dating senador man, kasalukuyang senador man . Wala namang pwedeng tumawad sa pag-aaral at pagre-review,” ani Escudero sa isang pahayag.

Naniniwala ang senador na ang mga bagong batch ng mambabatas sa mataas na kapulungan ay may sariling paninidigan at hindi aasa mula sa impluwensya ng administrasyon.

Mapanatili rin daw sana ng mga bagong uupo sa Senado ang hiwalay na kapangyarihan nito bilang sangay ng pamahalaan na mandating bumuo ng mga batas.

Inihalimbawa ni Escudero ang pagtutol ng kanilang hanay sa pagbabalik ng death penalty, pederalismo at nakaraang pagmamatigas sa pambansang pondo sa kabila ng mayorya sa mga senador ay kaalyado ng pangulo.