-- Advertisements --
image 305

Pinabulaanan mismo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang usap-usapang pagbibitiw nito sa pwesto

Aniya, ang naturang spekulasyon ay fake news at parte lamang ng black propaganda laban sa kaniya.

Nauna na ring itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang naturang spekulasyon.

Matatandaan na tatlong miyembro ng Gabinete na ng kasalukuyang Marcos administration ang nagbitiw simula ng maupo sa pwesto ang Pangulo noong Hunyo 30, 2022.

Kabilang dito sina Atty. Trixie Cruz Angeles na nagsilbing Press Secretary ni Pangulong Marcos, nagbitiw siya sa pwesto dahil sa health reasons.

Si Atty. Vic Rodriguez na nagsilbing tagapagsalita at unang Executive Secretary ni Pang. Marcos Jr. na nadawit sa ilang kontrobersiya kabilang ang appointments sa mga posiayon sa gobyerno at sugar importation mess.