-- Advertisements --

Napilitang bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano ng Cebu Pacific dahil sa bird strike nang sila ay nag-takeoff.

Ayon sa tagapagsalita ng Cebu Pacific na si Charo Logarta, ligtas ang lahat ng pasahero ng flight 5J-381 na patungo sana sa Cagayan De Oro.

Pero sa kabila nito, kinailangan namang palitan ang Airbus 320 craft na kanilang sinakyan matapos itong magtamo ng pinsala sa pangyayari.

Naka-alis ng paliparan ang replacement craft kaninang alas-7:20 ng umaga, apat na oras pagkatapos ng kanilang initial takeoff, at nakarating naman sa kanilang patutunguhan kaninang alas-8:30 ng umaga.