-- Advertisements --


Umaasa ang Energy Regulatory Commission (ERC) na mapagbibigyan ng Kongreso ang kanilang hiling na dagdag na pondo para sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 2021 national budget ay aabot lamang sa P564 million ang alokasyon para sa ERC.

Ayon kay ERC Chairperson and Chief Executive Officer, Atty. Agnes VST Devanadera, mababa ito ng 48 percent kung ikumpara sa P1.1 billion na kanilang hiniling sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Devanadera na P200 billion halaga ng investments ang maipapasok ng ERC sakaling madagdagan ang kanilang alokasyon para sa susunod na taon.

Higit na apektado kasi aniya sa ginawang pagtapyas ng DBM sa kanilang requested budget ang operasyon na sinusunod ng ERC.

Tatamaan kasi aniya rito ang manpower ng ahensya, na maaring makapagpabagal sa pagproseso nila ng mga dokumentong kanilang inaasikaso.