-- Advertisements --
image 71

Nag-isyu ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng show cause order laban sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para pagpaliwanagin ito sa pagkaantala na makumpleto ang nasa mahigit 30 power transmission projects.

Pinagsusumite ng komisyon ang NGCP ng verified explanation sa loob ng 15 araw mula ng matanggap ang order kung bakit hindi ito dapat na patawan ng parusang administratibo.

Ayon sa energy regulator naobserbahan na ang timelines ng inaprubahang capital expenditures projects ng grid operator ay hindi nasunod at naantala ang implementasyon ng mga proyekto na lagpas na sa 21 hanggang mahiit 2,000 araw.

Ilan sa mga proyektong ito na naantala ay ang Tuy (Calaca)-Dasmariñas 500-kilovolt Transmission Line Project na 82.48% pa lamang ang natatapos kung saan lagpas na sa target completion date nito na dapat ay noon pang Hulyo 11, 2016.

Gayundin ang Bataan-Cavite/Metro Manila Transmission Line Project (Phase 1) Feasibility Study na naantala sa loob ng ilang taon.

Una na ring ipinaliwanag ng NGCP na ang right of way, permit at covid-19 pandemic ang dahilan ng pagkaantala sa pagpapatupad ng nasabing mga proyekto.