Nagpasya ang Energy Regulatory Commission (ERC) na suspendihin ang naunang resolusyon nito na nagpapahintulot sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na ipasa ang 3% na franchise tax nito sa mga consumer ng kuryente.
Sa isang advisory, sinabi ng ERC sa isang Special Commission Meeting noong Agosto 8, na suspindihin ang bisa ng ERC Resolution No. 07 Series ng 2011.
Pinahihintulutan ng nasabing resolusyon ang pagsama ng 3% na buwis sa prangkisa ng NGCP sa buwanang mga gastos sa transmission na sinisingil nito sa mga distribution utilities (DUs).
Sinabi ni ERC CHairperson Monalisa Dimalanta na ang epekto ng kanilang pinakahuling desisyon ay magiging halos 1 centavo per kilowatt-hour na pagbawas sa buwanang singil ng mga mamimili ng kuryente.
Batay sa pagsusuri ng Legal service NG ERC, ang buwis aniya sa prangkisa ay nasa isang direct tax na noong 2002 pa lamang, ang desisyon ng Korte Suprema ay into ang tanging responsibilidad ng may hawak ng prangkisa at hindi maipapasa sa mga mamimili.
Sinabi ng ERC na ang NGCP ay nabigyan ng prangkisa sa pamamagitan ng Republic Act No. 9511.
Sa ilalim ng Section 9 ng RA No. 9511, ang NGCP ay kinakailangang magbayad ng franchise tax na katumbas ng 3% ng lahat ng gross receipts na nakuha mula sa mga operasyon nito.
Sa pagpapasya sa pinakahuling desisyon, sinabi ng ERC na patuloy nitong sinusuri ang mga umiiral nitong tuntunin at regulasyon upang matukoy kung ang mga mandato sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 ay matapat na natutupad.