Ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon na inihain ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) para amyendahan ang mga patakaran sa pagtatakda ng transmission rates.
Sa isang petisyon para baguhin ang 2022 amended rules para sa pagtatakda ng transmission wheeling rates, hinangad ng NGCP na limitahan ang ikaapat na panahon ng regulasyon sa mga taong 2016 hanggang 2020, sa halip na 2016 hanggang 2022.
Hinangad din ng NGCP na huwag payagan ang National Transmission Corp. (TransCo) bilang isang kinakailangang partido sa mga aplikasyon sa pagtatakda ng rate ng kumpanya.
Ang ERC gayunpaman, ay pinanatili ang ikaapat na panahon ng regulasyon mula 2016 hanggang 2022, na tinatanggihan ang panukala ng NGCP.
Dagdag ng komisyon na ginamit ng ERC ang kanilang awtoridad sa paggawa ng panuntunan upang isulong ang interes ng publiko, ayon sa ipinag-uutos ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) at ng Public Service Act.
Una na rito, ang nasabing batas ay upang masakop ang buong lumipas na panahon sa ilalim ng ikaapat na regulation period.