-- Advertisements --
Magsisimula na sa buwan ng Mayo ang world tour ng bandang Eraserheads.
Sa kaniyang social media account ay nagpost si Ely Buendia ng mga schedules ng kanilang concerts.
Magsisimula ito sa Mayo 19 sa Las Vegas na susundan sa Los Angeles sa Mayo 20.
Mayroong concert tour din sila sa San Francisco sa Mayo 25 at Mayo 28 habang sa Hunyo 17 ay sa New York.
Sa Canada naman ay magsisimula sa Vancouver sa Hunyo 3 na susundan sa Winnipeg sa Hunyo 9, sa Edmonton naman sa Hunyo 10 at Toronto sa Hunyo 16.
Magugunitang ang concert sa ibang bansa ay siyang naging pangako nila matapos ang matagumpay na reunion concert ng banda noong Disyembre.