Reading Time: 1 minute

Sinibak ni US Attorney General William Barr ang acting head ng Bureau of Prisons kaugnay ng pagpapakamatay ng bilyonaryong si Jeffrey Epstein ngayong buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Barr na babalik umano si Hugh Hurwitz sa pagiging assistant director na dati nitong hawak.

Itatalaga naman ni Barr bilang bagong pinuno ng ahensya si Dr. Kathleen Hawk Sawyer.

Ayon kay Barr, nagulat at nagalit daw ito nang malaman ang suicide incident, at itnukoy ang umano’y malubhang mga iregularidad sa Manhattan facility kung saan nakadetine si Epstein.

Nitong Agosto 10 nang magpakamatay si Epstein na nahaharap sa reklamong sex trafficking and conspiracy. (CNN)