Nanawagan si House Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar sa gobyerno na simulan na ang pagbalangkas ng mga hakbang para ma mitigate ang epekto ng El Nino sa bansa.
Ito’y kahit idiniklara na ng state weather bureau na panahon na ngayon ng tag-ulan.
Inihain ni Cong. Villar ang House Resolution 1024 na hinihikayat ang gobyerno na simulan na ang paghahanda para maiwasan ang matinding epekto ng El Nino partikular sa agriculture sector, essential and non-essential industries .
“Apart from agriculture, water resources, power generation, health and sanitation and other sectors are likely to be impacted by El Nino, and concerned state agencies must prepare to mitigate the impacts of severe weather conditions,” pahayag ni Rep. Villar.
Ayon kay Representative Villar, ang direktang maaapektuhan dito ay ang farming at fishing subsectors at maging ang hanapbuhay ng mga manggagawa at ang food security.
Dagdag pa ni Villar na ang posibleng epekto ng El Nino ay makakadagdag sa kahirapaan ng inflation na posibleng maging sanhi pa ng pagtaas ng mga basic good and services.
Una ng nagbabala ang World Meteorological Organization na ang El Nino ay maaaring maging sanhi ng “far-reaching repercussions para sa health, food security, water management, at environment.”