LAOAG CITY – Hindi sapat na rason ang pagtitipid sa naging suhestiyon ng National Economic Development Authority na 4-day work week.
Ito ang paniniwala ni Mr. Orlino Mandac, isang economist ng Mariano Marcos State University sa lungsod ng Batac.
Ayon kay Mandac, maliban sa mga empleado ay kasamang hindi nakahanda ang mga manggagawa.
Aniya, ang limang araw na trabaho ay katumbas ng 40 na oras o walong oras sa isang araw.
Sinabi nito na tunay na makakatipid ang mga employers ng kuryente, pasahod at marami pa na nagpapatakbo ng isang kompanya.
Samantala, ipinaliwanag nito na ang isang araw na na matatanggal sa pagtatrabaho ay nangangahulugan na madadagdagan ng dalawang oras na sa isang araw ang kailangan ng mga manggagawa sa trabaho, bagay na itinuturing nito na kapareho ng limang araw na pagtatrabaho.
Bukod pa rito, naniniwala si Mandac na hindi kailangan na maipatupad ang 4-day work week sa mga kompanyang may quota o deadline.
Samantala, ipinaliwanag ng economist na sa parte ng mga empleado, ang nasabing suhestiyon ay makapagbibigay ng malalang stress at pagod sa mga manggagawa dahil sa labis na oras ng pagtatrabaho.
Aniya, dahil dito ay kailangan ang kosiderasyon sa sitwasyon ng mga empleado para hindi maapektuhan ang kalidad ng trabaho ng mga ito.
Giit ni Mandac na kailangan na aralin ng mabuti ng gobierno ang epekto ng anumang suhestisyon bago ang pagpapatupad nito.